Ano nga ba ang sinasabi nilang midterms? Ito lang naman ang exam na ibinibigay sa kalahati ng isang term. And since this is an exam, kinakatakutan ito ng mga students of different levels. Kaso nga lang, hindi naman lahat natatakot dito lalo na yung mga genius. Favorite kaya nila ang midterms at finals.
Haayy! Okay lang naman ang midterms basta lahat ng napag-aralan mo ay lumabas sa exam. Okay lang naman basta nagbigay ng pointers ang guro. Okay lang naman kapag di masyadong strict ang proctor. Okay lang naman basta complete ang notes mo. Okay lang naman basta nakapag-aral ka. Pero pinaka okay pag exempted ka sa Physics exam n'yo dahil malaki ang naging scores mo sa nagdaang mga quizzes.
Ang masaklap lang ay ang scenario na dalawang magdamagang sessions ang iginugol mo para sa first exam of the week pero ang lumbas na questions ay nosebleeding at parang galing planet Jupiter ang gumawa. Ang hirap nga naman talaga. Kahit anu-ano na lang na mga kataga ang lumalabas sa utak mo at naisusulat mo sa papel dahil wala kang Earth sa kung ano man ang ibig ipahiwatig ng guro. Torture yata 'to ah.
Palibhasa ang yabang ng gurong 'yon. Porque ba Doctor ka na, hihirapan mo na ang test questions? Huhuhu. Kung ano man ang kalalabasan ng exam na 'yon, maluwag ko'ng tatanggapin. Naiimagine ko na ang failure ko sa overall grade ko sa kanya. Haaayy!
Aral muna ako ULIT! tootles :)
1. Leaving
-
*March 24, 2015*
The past six months of preparing for and passing the CPA board exams in the
city was enough. Working in Cebu, however, is a different stor...
4 years ago
0 citrus juice/s:
Post a Comment