May mga taong sadyang ang bagal kung kumilos.
...ang bagal kumuha ng barya
...ang bagal mag-sukli
...ang bagal mag drive
...ang bagal mag parking
...ang bagal tumanggap ng bayad
...ANG BAGAL...
May mga tao rin namang gusto lang ng mabagal.
...mabagal na driver ng jeep
...mabagal na usad ng trapiko dahil nga mabagal ang mga driver
...mabagal na trapik-eyd na parang minorette kung makatayo sa gitna ng kalsada
...mabagal na konduktor na napaka tange kung maka kolekta ng pamasahe
...mabagal na pasahero na isang oras kung makababa sa sasakyan
...at mabagal na pasaherong isang araw maka-upo sa nais upuan
...ANG BAGAL...
May mga tao rin namang ewan ko lang kung kailan matutong magmadali. Kasi nga naman...
...ang bagal kung makagising
...ang bagal maligo
...ang bagal magbihis
...ang bagal mamalantsa
...ang bagal kumain
...ang bagal mag-toothbrush
...ang bagal mag-retouch sa salamin
...ang bagal maka suot ng sapatos
...ang bagal bigyan ng baon
...AYAN TULOY LAGING LATE SA P.E.
Pero gaano man kabagal ng buhay na ito, mayroon pa ring napakabilis.
...ang V-Hire na parang hindi takot sa disgrasya
...ang Chemistry teacher na parang puwet ng manok kung maka salita
...ang Filipino teacher na kung magbigay ng eksam ay parang genius lahat ng estudyante
...ang paglakad ni _______ na parang kidlat lang naman. Hindi ko na tuloy nasulyapan. :'(
...at ang panahon...
...parang kailan lang nang ako ay tumatakbo papunta sa P.E. class ko;
at bukas, ganon na naman ang mangyayari
...parang kailan lang ng nagkaroon pa kami ng pictorial sa office;
at ngayon, nangangamote na ang pub dahil wala ng ka narsihang mangyayari
...parang kailan lang ng ako ay mag-aral para finals; at ngayon, finals na naman
...kaya nga naman, Make every moment worthwhile; every minute memorable; every second a blessing...
Sabi nga ni Stuart Little, "In every thick cloud is a silver lining. You just need to look for it and be patient."
1. Leaving
-
*March 24, 2015*
The past six months of preparing for and passing the CPA board exams in the
city was enough. Working in Cebu, however, is a different stor...
4 years ago
wahahahah!.. filipino kaau kah rol'z! :)
ReplyDelete..hehehe...naka inum ko ug hilo ani mao naka tagalog..hehehe
ReplyDelete