Wednesday, January 26, 2011

Tisyu Kolektor


Two down.

Ang hirap mag English ngayon ah! Bakit kaya? Hindi ako marunong mag formulate ng magandang English sa blog ko at this moment. Mabuti na lang at may alternatibong paraan upang maipahayag ko pa rin kung ano ang gusto kong sabihin. Hay buhay!

Anyway, ilang araw na rin akong singhot ng singhot dahil nga sa sipon kong ewan ko lang kung kailan aalis sa ilong ko. Di ko naman pinangarap na magkaroon nito. Ayaw lang talaga n'yang tantanan ang ilong kong hirap na sa paghinga.

Naaawa na tuloy ako sa dalawang rolyo ng tisyu na na-ubos ko sa kakapahid lang ng mga asungot sa ilong ko. From time to time, dumarating. Ayaw mag cease. Parang kalaban na forward-backward lang ang alam na tactic. Hay di ko na rin alam kung ano 'tong pinagsasabi ko.

Sana di 'to magtatagal. Nakakahiya na talaga lalo na sa mga taong nalalapitan ko. Ayaw na nila sa 'kin. (uber) Ang arte naman kasi nila.

Pasensya! Di ako marunong mag Tagalog :D

0 citrus juice/s:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...