Thursday, July 7, 2011

Mga Taong Epal, Mapanira ng Moment, at ang Sarap Sapakin

Diretsahan na po tayo. Wala ng intro. Hahaha

P.S.: Hindi po ako galit habang ginagawa ko ang post na ito. Wala lang talaga akong ibang maisip. Feel ko nga walang kinalaman ang title ko sa post na 'to. 


Una. Ayoko ng mga taong feeler, yung tipong jack-of-all-trades but master of none. Tumatayo talaga balahibo ko sa mga ganyan. May teacher akong kilala sa high school na parang daig pa'ng principal kung magsalita at magbigay ng orders. Pa-deep talaga kung mag-isip pero sa totoo lang, kung anu-ano na lang na katarantaduhan ang pumapasok sa utak nya. Nagpapaka-istrikto na para bang may maibubuga. Nagdedesign ng band uniforms na parang may pinag-aralan talaga. Ang outcome? Simple lang naman. Walang ni isang student o faculty ang nagkakagusto sa kanya. Feel na feel kasi nya na talagang magaling s'ya sa lahat ng bagay which is superbly wrong. 

Pangalawa. Ayoko ng mga taong assuming. Parang synonymous lang din yun, ano? In my 18 years of existence, ang dami ko ng na encounter na instances kung saan lumulutang ang pagka assuming ng isang tao. Minsan kasi, ganyan din ako. But I will use a very recent incident to represent an example. Papunta ako kanina sa school in a bus. I did not mind my seatmate kasi ang ganda-ganda na ng pwesto ko -- windowside talaga. Malas lang kasi ng huminto ang bus sa tapat ng tiangge of the next town, may nakitang kakilala yung katabi ko. He said something to him. Ewan ko ba kung ano yun basta ang sunod na lang na narinig ko ay ang mga katagang, "Asawa mo?" Yucks! Super! Ganyan na ba talaga ako ka tanda para maging asawa ng isang asungot. How mein! Huwag naman po. Dahil na rin sa assuming ako paminsan minsan, hindi ko raw narinig ang conversation nila. Parang hindi lang ako nag-eexist. But at that moment, I was so close to groping him. Mabuti na lang hindi kami close at 'di rin naman ako violent.

Pangatlo. Ayoko ng mga taong over-over kung mag praise ng tao. Nakaka-offend kasi s'ya para sa 'kin. Kahit yung mga hindi mo totoong mga features, sinasali. The best example I can give is my seatmate in Literature. Feeling close na, ang daldal pa. Well, okay lang yun sa 'kin. Ang hindi ko lang gusto eh yung kinukulit ako na tanggapin lahat ng compliments n'ya sa 'kin. I can't somehow describe how, pero basta nakakainis s'ya. Kung gusto ko ng silent moment with myself habang hinihintay ang guro namin, daldal naman s'ya ng daldal. Super close namin noh? Ah basta yun na yun. Makulit lang yata talaga s'ya. 

Pang-apat. Wala na ako maisip. Ang sarap namang sapakin ng utak na 'to. 'Til next time uli. Tahtah! 

2 comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...