Tuesday, September 27, 2011

Kapitan Sino ni Bob Ong

O ayan. Nalulong na rin ako sa pagbabasa ng mga librong likha ni Bob Ong. Misteryoso. Pagkatapos kong mabasa ang kanyang "ABNKKBSNPLA Ko?!" at masulyapan ang kanyang "Stainless Longganisa," naghanap ako ng bagong mapag-tutuunan ng pansin. And I was brought to this book, "Kapitan Sino." Ang saya-saya ko lang talaga't naka-pasyal ako sa National Bookstore at nagka-interes sa aklat na 'to. 

Konting book review naman tayo:

- Kapitan Sino, isang title na ibinigay ng mga taong taga Pelaez sa superhero na di nila kilala (dahil nakahelmet)
- Mababasa mo sa librong ito ang mga kapalpakan ng mga tao, ang kabobohan, katangahan, at halos lahat ng negativism ng mga Pilipino
- On the lighter side naman, it shows how Kapitan Sino offers his life para sa mga taong nangangailangan ng tulong nya

Pasensya na po kung di talaga ako marunong gumawa ng book review. Talagang mahina ako sa part na yan. Sa mga unang pahina ng aklat na 'to, parang 'di ako na convince sa pagka out-of-this-world ng concept ng storya (I mean with all the superhero stuff), but later, I found out kung ano ang ibig sabihin ng may-akda. Bilib ako sa mga salitang gamit nya, at ang pagiging matalinghaga nito. Makata! 

My better advice? Avail na lang kayo of your own copy. This is just Php 175.00. (Walang bayad ang endorsement na 'to ha)

Btw, here are some of the quotes (dyan talaga magaling si Bob Ong) na nagpangiti sa 'kin while reading through the pages. 

"Alam mo ba kung ano ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita?"
"Paningin?"
"Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag."

"Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ng maraming tao para bumuo ng mundo mo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay." 


Kung ang lahat lang ng tao may kapangyarihan, eh di sana lahat tayo bayani. 
Kung lahat ng tao may konsensya, hindi kailangan ng bayani.
Paano yung nadidisgrasya? 
Hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan and ibang tao.

Wala namang napapala ang bayani kung lalagyan mo ng bulaklak ang puntod nya. Ang pagrespeto sa bayani, pagrespeto sa mga ipinaglaban nya. Pangalagaan mo ang kalayaan, o ang magandang buhay na pangarap nya para sa lahat. 

"Ang trahedya ng buhay ko? Hindi ako nagkaroon ng kapangyarihan na makapagsabi ng tamang bagay sa tamang tao sa tamang panahon."

0 citrus juice/s:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...