Thursday, June 23, 2011

It's Eerf Day Today


Ang sarap ng feeling na malibre. Kahit konting pamasahe lang sa motorcab (pedicab dito sa 'min), basta't not from your pocket, eh ang sarap na sa pakiramdam. Aside from that, marami pang libre ang pwede mong makuha.

Nakasabay ko lang naman ang professor ko sa Field Study who, by chance, is also from my town. After several instances na magkasabay kaming sumakay sa bus, ngayon lang talaga kami nagka seatmate. Kung hindi gaanong familiar ang teacher na ito,  s'ya lang naman 'yung gurong nagtanong kung bakit ako na late sa meeting namin sa Field Study. Kung di ka pa rin maka-relate, basahin mo na lang ang recent post ko on You Did it Again. 

She asked me the question again and I answered her back, saying that I was not aware of the time. She considered it lang naman but I know na hindi nya alam na the main reason kung bakit ako nagpa late sa meeting ay ang dahilang ayaw kong ma elect sa higher position (e.g., Vice President o Secretary)

We had a little exchange of conversation and the time na dumating kami sa Dumaguete, she told me na ako daw ang PRO sa klase namin. Hahaha! Inapoint lang naman ako ng maganda kong titser. Binigyan talaga ako ng posisyon. Number one libre na 'yan ha. Libreng position.

When we were about to disembark from the motorcab, she gave me the key of her room and her small blue envelope sabay sabi, "You tell my students to clean the room." Isipin mo, ang daming "Yes ma'am" na lumabas sa bunganga ko. Number two libre na 'yon. Libreng bitbit.

But most of all, pagbaba ko sa sasakyan, sinabi n'yang s'ya na ang magbabayad sa pamasahe ko. Kahit 8 pesos lang 'yon, malaking bagay na ang ginawa n'ya lalo na't guro ko s'ya sa isa sa Professional Subjects ko. Lubos ang pasasalamat ko sa kanya. At dahil d'yan, I had my third libre, the Libreng pamasahe.

Sa uulitin ma'am ha! :)

0 citrus juice/s:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...