Babala: Basahing mabuti ang sumusunod na mga kataga at piliting intindihin ang Tagalog ng taong nag post nito. Nag-aaral pa kasi sya ng Filipino sa Mababang Paaralan ng Mabini. Nasa unang baitang pa po sya pagdating sa pananagalog.
Naging maganda ang takbo ng araw ko ngayon dahil hindi ako na late sa una kong klase. Subalit ngayong maaga akong nagising at pumuntang school, ngayon pa rin lumiban ang pinakamaganda naming guro sa Ed8. Okay lang. Naiintindihan ko s'ya.
At dahil hindi sya ang dahilan kung bakit ko ginawa ang post na ito, let's change topic.
Nasa canteen kami kanina with my classmates to have our lunch. (I decided na mag Taglish na lang kasi talagang ang hirap pag straight na Tagalog lang. Mahina ako managalog. Sorry na po.) Nag-order na kami ng food ta's naghintay ng mga students na matapos ang kanilang meal. Dahil na rin siguro sa sobrang gutom, bumili ako ng pagkaing excessive sa paningin ng iba. Hindi kasi sila makapaniwala na mauubos ko ang ganon karaming pagkain kasi nga diba, payat?
Anyway, malapit ko ng matapos ang pagkaing nakahain sa hapag ng naramdaman ko ang urge na mag second batch ng layts. Wow! Paminsan minsan lang nangyayari sa history ng tiyan ko ang ganon karaming pagkain na i-accumulate. But I really tried. Nag ekstwa layts talaga ako. Di ko na nga rin lubos maisip na makakaya ko 'yun.
After the lunch, however, I did not feel any progress sa tiyan ko. Hindi man lang lumobo ng kahit konti man lang. Pagtayo ko, parang 'di lang ako nakakain. But sa totoo lang, busog na busog na 'ko. Ang hirap na ngang ihinga.
Okay. So ano nga ba ang ekstwa layts? Ekstwa layts is a churva language na napulot ko sa net na ang ibig sabihin lang naman ay "extra rice." Ngayong alam n'yo nah, babay na rin. Talagang ang hirap talaga mag Tagalog eh.
0 citrus juice/s:
Post a Comment