Wednesday, May 4, 2011

Ay Galit?

Pagkatapos malibre sa hapunan, diretso Ceres terminal na ako. Ang hirap nga namang sumakay pag gabi lalo na kung ang tangi mong kasama ay ang bag mo't clear book.

Dalawang pedicab na ang dumaan -- parehong ayaw ako pasakayin. Buti na lang sinamahan ako nila Ate Caroline, Cheeno't Japhet. At least feel ko safe ako.

Sa wakas. May nagpasakay din sa 'kin. Shortcut mode. Nasa tapat na kami ng terminal. Nag-abot ako ng 50 piso sa drayber. Mukhang ayaw yata tanggapin...pero tinanggap na rin. Nagtanong s'ya pagkatapos. "Wala ka na bang mas maliit pa d'yan?"

"Wala na po talaga." tugon ko.

Aba nama't nagbago ang ekspresyon ng pagmumukha n'ya. Itinapon n'ya ang pera sa harap ko sabay sabi, "Oh baba ka na. Mamamasahe pa 'ko."

Dahil masunurin akong bata, bumaba naman ako agad. Nagsimula akong mag-alala't nagtanong, "Hala manong, hahanap muna ako ng..."

Ay galit? Di man lang ako pinatapos at umalis? Masaya man ako dahil nakalibre ako di lang sa hapunan kundi pati na rin sa pasahe sa pedicab, di ko pa rin maiwasang mag-alala sa nalugi n'yang otso pesos. *hihi

Haha. Kebs! Umalis s'yang galit. Di ko na problema 'yon.

:p

2 comments:

  1. hahahaha , uhm dapat hinabol mo tapos sabi kuya pasakay ulit. hehehehe. joke. tama wag m n problemahin ang galit ng iba

    ReplyDelete
  2. hihi..nice idea ha :) gagawin ko yan next time :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...