Thursday, April 7, 2011

Kwek-kwek mania


Una kong narinig ang salitang "kwek-kwek" sa  teleseryeng "Super Inggo" starring Makisig Morales. Kung sino man sa inyo ang fan ng ABS-CBN shows, makaka-relate kayo sa sinasabi ko. Hay. Pero hindi naman si Makisig ang pakay ko. Yong kwek-kwek. :)

Nakakatawa mang isipin pero una kong natikman ang pagkaing ito kahapon lamang. And to think matanda na ako. Matagal ng naka-display sa labas ng unibersidad na pinapasukan ko ang mga maliliit na stalls na nagtitinda ng mga kulay dalandang hugis bilog na ito. Ngunit hindi pumasok sa isip ko na subukan ito, marahil na rin sa wala akong kasama at nahihiya akong makisama sa maraming mag-aaral na nakadumog sa paligid nito. Hindi ko rin lubos maisip ang lasa ng pagkaing ito. Sa kulay pa lang, nasabi ko na na parang junk ang laman ng kwek-kwek na yan, o kaya nama'y panis na isda o karne. Hay. Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak kong 'to.

Salamat na lang at ginutom ako. Naghanap ng pagkain sa canteen ngunit parang boring na lahat. Pabalik-balik ang dinidisplay. Nahilo na yata ang mga worms ko sa pabalik-balik na pagkain ng burger, tinuhog na saging, with matching juice. Kaya ayun. We ended exploring the outside world.

At nakita ni Ryan ang stall ni Mamang Kwek-kwek. Lumapit. Lumapit ng lumapit. Tanong naman ako ng tanong kung ano lasa ng pagkaing yan. Isipin mong binomba ko na utak ko na junk food 'yon? Ta's pinagbawalan pa akong kumain ng street foods dahil sa hyper-acidity ko. Sino ba naman ang hindi mantadtad ng tanong sa kaibigang confident na sa pagkain ng orange balls?

Apat agad binili ni dodong Ryan. Hesitant pa ako n'ong una na bumunot ng pera sa bulsa. Pero dahil na rin sa curiousity, apat na rin binili ko. Seconds later, naluto na s'ya, nilagay sa stick at isinawsaw sa malapot na brown sauce. Yehey! Here comes my first taste of the kwek-kwek, ang paborito ng bayan. :)

There, I found out na boiled quail eggs pala 'yon covered in orange thingy na sabi ni Ryan ay harina daw. Ah okay. Before serving, it is dipped in hot cooking oil then into a brown, malapot sauce. Yummy! At least nakatikim na talaga ako ng kwek kwek days before I become of legal age. 

P.S. Masarap s'ya. Masustansya pa. :)

3 comments:

  1. haha... I told you it is yummy... :) Let's eat some more next time Jen...Lumapit...Lumapit ng lumapit...parang dialogue ko to ah... Toinks...

    ReplyDelete
  2. yeah..thanks fo the invite... :) libre na next time..haha

    ReplyDelete
  3. ive never had kwek-kwek, when i realized its quail eggs pala, i thought sa vinegar sya saw saw :D now im curious to know whats the malapot brown sauce? and how its made :/ i wanna have my friends try it. i live in florida. gusto ko silang pag lutuan :) thank you for sharing this post! i really enjoyed reading through your experience. sana ma try ko na rin!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...